Napanaginipan kong girlfriend mo daw si gladys. Hahahahaha. Ang sama daw ng loob ko dun sa panaginip ko, kahit daw kausapin mo ako umiiwas ako. Ang feeler ko talaga e no. HAHAHAHAHA. Siguro pang gising yun e no, di mo naman kasi ako talaga gusto :)

Siguro wala lang talaga to. Kasi sa lahat nakikitang kong ginagawa mo lahat ng paglalandi mo. Hahahaha. Bat ba kasi may mga lalaking tulad mo lahat nalang parang nagbibigay ka ng motibo, kaya hindi ako magtataka na sinasabi mong may nagkakagusto sayo tapos yung isa din meron, kasi sa mga ginagawa at sinasabi mo nahuhulog sila, tapos di ka naman din pala nandyan para saluhin. Well, bakit nga rin ba kasi may mga babaeng katulad ko, na nahuhulog naman sayo. So, kasalanan ko rin siya. Hahahahaha. Medj naiinis na kasi ako. Medj malandi.

Umiiyak nanaman ako dahil sayo. Ay mali. Umiiyak nanaman pala ako dahil sa sarili ko, kasi umaasa ako. Kung matatandaan mo tong araw na to eto yung araw na tinatanong ko kung kamusta na yung babaeng gusto mong ligawan. Yung babaeng iniisip ko sana ako nalang. Well goodnight matutulog nalang ako.